Nagsilbing host ng Lokal na Pamahalaan ng Manaoag sa ginanap na pagpupulong ng mga Public Employment Service Officers (PESO) Managers ng Lalawigan ng Pangasinan na kasalukuyang pinamumunuan ni Arnel Armis mula sa lokal na pamahalaan ng Villasis.

Tinalakay sa buwanang pagpupulong ang mga amendments sa Republic Act No. 8759 o ang PESO Act of 1999. Pinag-usapan din ang mga updates sa mga programa ng Department of Labor and Employment (DOLE). Nabanggit din ang nalalpit na Peso Congress na gaganapin sa lungsod ng Alaminos.

Ipinaabot ni Mayor Jeremy Agerico “Doc Ming” Rosario ang kanyang pagbati at pasasalamat sa mga delegado sa pamamagitan ni 4th District Board Member Jerry Rosario na maagang dumating upang batiin ang mga ito.