Miyerkules | Enero 24, 2024

Nakaantabay anumang oras. Laging handang magbigay ng serbisyo at katuwang ng mga opisyal ng barangay sa pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan. Ito ang araw-araw na gampanin ng mga barangay tanod na nais suklian sa munting paraan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamumuno ni ๐—š๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ผ๐—ฟ ๐—ฅ๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐—ป “Mon-Mon” ๐—š๐˜‚๐—ถ๐—ฐ๐—ผ ๐—œ๐—œ๐—œ.
Higit kumulang 2,000 na Civilian Volunteers sa ika-apat na distrito ng Pangasinan ang nakatakdang tumanggap ng P1,000 cash amelioration, 478 dito ay mula sa Manaoag, 602 sa San Fabian, 579 sa Mangaldan at 363 sa San Jacinto.
Personal na dumalo si Governor Guico kasama si ๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—š๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ผ๐—ฟ Mark Lambino, ๐Ÿฐ๐˜๐—ต ๐——๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜ ๐—•๐—ผ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐— ๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ Doc Jerry Rosario ๐—ฎ๐˜ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ฟ “Noy” ๐——๐—ฒ ๐—š๐˜‚๐˜‡๐—บ๐—ฎ๐—ป at iba pang opisyal ng probinsya sa distribusyon nito. Nagpasalamat ang gobernador kay ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐—๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐˜† ๐—”๐—ด๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ผ “Doc Ming” ๐—ฅ๐—ผ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ผ sa laging pagpapaunlak ng alkalde sa tuwing may mga aktibidad ang kapitolyo sa bayan ng Manaoag.
Mainit na sinalubong ni Mayor Rosario kasama ang mga miyembro ng Sangguniang bayan ang mga opisyal ng probinsya at lubos na nagpasasalamat sa tuluy-tuloy na natatanggap na mga biyaya at magandang ugnayan ng bayan sa pamahalaang panlalawigan.