
Lunes | Enero 15, 2024
Tuluy-tuloy ang mas pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga ng Lokal na Pamahalaan ng Manaoag sa ilalim ng pamumuno ni ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟย ๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ ๐๐ด๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฐ๐ผ “๐๐ผ๐ฐ ๐ ๐ถ๐ป๐ด” ๐ฅ๐ผ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ผ.
Iginawad ng mga kinatawan mula sa ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ ๐๐ฟ๐๐ด ๐๐ป๐ณ๐ผ๐ฟ๐ฐ๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ด๐ฒ๐ป๐ฐ๐ (๐ฃ๐๐๐) ang mga sertipiko na nagpapatunay na drug-cleared na ang labing-anim (16) na barangay sa bayan ng Manaoag. Ito ay ang mga Barangay ng ๐๐ถ๐๐ฎ๐น, ๐๐๐ฐ๐ฎ๐ผ, ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ผ๐ฐ๐ฎ๐ป, ๐๐ฒ๐น๐ฒ๐บ๐ฎ๐ฎ๐ป, ๐๐ถ๐ฐ๐๐ถ, ๐๐ถ๐ฝ๐ถ๐ ๐ฆ๐๐ฟ, ๐ ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด, ๐ ๐ฒ๐ฟ๐บ๐ฒ๐ฟ, ๐ข๐ฟ๐ฎ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ๐๐, ๐ข๐ฟ๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ช๐ฒ๐๐, ๐ฃ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐น, ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป, ๐ฆ๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐๐ป๐ฒ๐, ๐ฆ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด, ๐ง๐ฒ๐ฏ๐๐ฒ๐น at ๐ฆ๐ฎ๐ป ๐ฅ๐ฎ๐บ๐ผ๐ป.
Tinanggap ng kapitan ng bawat barangay ang sertipiko ngayong araw na ginanap sa Municipal Health and Wellness Hall sa Presidencia de Manaoag. Kasama sa nag-abot nito ay si Mayor Doc Ming Rosario, PDEA Provincial Director IA V Rechie Q. Camacho, MADAC Focal Person Aldrin M. Aquino, Local Government Operations Officer VI Shiela E. Velasquez, Municipal Health Office Overseer Dr. Ela Camille Baltazar at PEMS Fidel B. Mejia, na kumatawan kay PNP-Manaoag Chief of Police Major Napoleon M. Eleccion, Jr.
Ito ay bunga ng pinagsamang pagsusumikap ng mga opisyal at kawani ng barangay at ng lokal na pamahalaan.
Mayroon na lamang sampung (10) natitirang barangay na target ma-๐ค๐ญ๐ฆ๐ข๐ณ sa lalong madaling panahon. Patuloy na pinagtitibay ng alkalde ang suporta sa mga natitirang mga barangay upang tuluyan ng maging malaya sa droga ang bayan ng Manaoag.
