Huwebest | Hunyo 13, 2024Sentro ng turismo ang bayan ng Manaoag sa probinsya ng Pangasinan na may higit-kumulang 56,000 na bisita linggo-linggo. Gayunpaman, karamihan sa mga bisitang ito ay nagsisimba lamang at umaalis. Ito ang hamon na nagtulak kay ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ ๐๐ด๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฐ๐ผ “๐๐ผ๐ฐ ๐ ๐ถ๐ป๐ด” ๐. ๐ฅ๐ผ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ผ upang sa wakas ay maisakatuparan na ang matagal ng pinapangarap na maayos, malinis at organisadong pamilihang bayan ng Manaoag.
Ngayong umaga, sa isang Ceremonial Groundbreaking, ay pormal ng sisimulan ang konstruksyon nito na gagawin ng joint venture ng ๐ฅ๐ง ๐ ๐ฎ๐ฐ๐ฎ๐ป๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ ๐๐ผ๐ป๐๐๐ฟ๐๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฎ๐ ๐๐๐ฆ๐ ๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฌ๐ฌ ๐๐ผ๐ป๐๐๐ฟ๐๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ป๐ฐ. Mahahati ang kabuuan ng palengke sa tatlong phase, Phase 1 o ang unang building na may dalawang palapag, Phase 2 sa bahaging gitna para sa meat, fish at vegetable section at ang Phase 3 para sa mga ambulant vendors at parking area.
Unang gagawin ang Phase 3 nito at pansamantalang ire-relocate ang mga apektadong vendors sa bakanteng lupa na boluntaryong ipapagamit ng negosyanteng si Gladys Jimenez. Gagawan ng mga temporary make-shift stalls na may tubig at kuryente ang mga magtitinda.
Bakas ang ngiti at pananabik sa mga vendors na naroon at sa lahat ng mga dumalo sa simpleng seremonya. Nagpahayag ng suporta ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina ๐ช๐ถ๐ป๐๐๐ผ๐ป ๐๐ต๐ ๐ง๐ฎ๐ป, ๐๐ฑ๐ฑ๐ถ๐ฒ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฎ๐ป, ๐ ๐ฒ๐ฟ๐น๐ ๐ง๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐, ๐ฃ๐ฒ๐ฑ๐ฟ๐ผ “๐๐ฎ๐ฝ ๐๐ต๐ผ๐ป๐ด” ๐ฃ๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ฎ๐, ๐ฅ๐ผ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ผ “๐๐ผ๐ฐ ๐ก๐ฒ๐บ๐ผ” ๐๐ฒ ๐ฉ๐ฒ๐ฟ๐ฎ, ๐๐ฟ๐ป๐ผ๐น๐ฑ ๐ฆ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ด๐ผ๐๐ฎ at ๐๐ฎ๐ฝ ๐ฅ๐ถ๐ฐ๐ต๐ฎ๐ฟ๐ฑ ๐ ๐ฒ๐ป๐ฑ๐ผ๐๐ฎ. Nakiisa rin ang maybahay ng alkalde na si ๐๐ฟ๐ฎ. ๐ง๐๐ถ๐ด๐ด๐ ๐ฅ๐ผ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ผ, LGU Department heads, Landbank representative, Liga ng mga Barangay, Sangguniang Kabataan, Manaoag PNP at BFP, Manaoag Water District, Dagupan Electric Corporation, Market Vendors at iba pang mga pribadong indibidwal.
