Huwebes | Hunyo 27, 2024
Mura at sariwang karne, gulay, prutas at samu’t-saring produkto gaya ng cocoa products, honey, boneless bangus, at marami pang iba ang ibinida ng mga local farmers ng Manaoag at ng iba pang bayan sa Pangasinan at mga karatig probinsya sa ginanap na ๐™†๐™–๐™™๐™ž๐™ฌ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ช๐™ก๐™ค (KNP) kahapon sa Manaoag Public Auditorium. Ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office (MAO) sa pamumuno ni ๐—˜๐—ป๐—ด๐—ฟ. ๐—”๐—ฟ๐—ป๐—ผ๐—น๐—ฑ ๐—ฅ๐—ฎ๐˜‚๐—น ๐—˜. ๐—š๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ถ๐—บ๐—ผ.
Ang KNP ay bahagi ng mga pagsisikap ng gobyerno na masiguro ang matatag na suplay ng pagkain. Mas mura ring mabibili ang mga produkto dahil direktang maibebenta ng mga magsasaka, mangingisda at maliliit na negosyo ang kanilang mga produkto.
Sa isang maikling programa ay nagpasalamat si ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐—๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐˜† ๐—”๐—ด๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ผ “๐——๐—ผ๐—ฐ ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ด” ๐—•. ๐—ฅ๐—ผ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ผ sa lahat ng nakiisa at namili ng mga produkto. Hinikayat din ng alkalde ang bawat isa na suportahan ang mga ganitong aktibidad.
Samantala, tuloy-tuloy ang tulong ng lokal na pamahalaan ng Manaoag sa lahat ng proyekto at programa para sa mga magsasaka.