Huwebes | Enero 26, 2024
Isa-isang ipinatawag ni ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐—๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐˜† ๐—”๐—ด๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ผ “๐——๐—ผ๐—ฐ ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ด” ๐—ฅ๐—ผ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ผ ang mga nagtitinda sa palengke noong nakaraang linggo upang i-konsulta ang napipintong konstruksiyon ng bagong palengke ng Manaoag.
Araw-araw mula Enero 15-18, 2024, iba’t-ibang section sa palengke ang kinausap ng alkalde. Kabilang dito ang Wet Section (Meat & Fish), Dry Section (Fruits, Vegetables, Rice, etc.), Food Stalls, School Supplies Vendors at iba pa.
Ayon kay Mayor Rosario, hindi lamang ang gusali at pasilidad ang aayusin kundi ang mga maling sistemang dapat ituwid hinggil sa pamamalakad sa palengke. Ito ay sinang-ayunan naman ng mayorya ng mga dumalo sa mga pagpupulong.
Ang pagpapaganda sa palengke ang isa sa tinitignan ni Mayor Rosario na manghihikayat sa libu-libong bisita at turista na dumarating sa bayan upang mamili ng mga pasalubong at iba pang produkto ng bayan.
Kaugnay nito, isa-isang inilatag ang mga plano sa mga market vendors at sa mga miyembro ng Municipal Development Council kabilang ang lahat ng punong barangay sa bayan. Tinalakay nina ๐—”๐—น๐—ฑ๐—ฟ๐—ถ๐—ป ๐— . ๐—”๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—ป๐—ผ (๐— ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—น ๐—ฃ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ, ๐—˜๐—ป๐—ด๐—ฟ. ๐—˜๐—ฑ๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ๐—ผ ๐—”. ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐—ฑ๐—ฒ๐˜‡ (๐—•๐˜‚๐—ฑ๐—ด๐—ฒ๐˜ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ), ๐—˜๐—ป๐—ด๐—ฟ. ๐—”๐—ฟ๐—ป๐—ผ๐—น๐—ฑ ๐—ฅ๐—ฎ๐˜‚๐—น ๐—˜. ๐—š๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ถ๐—บ๐—ผ (๐—”๐—ด๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ) ๐—ฎ๐˜ ๐—ฆ๐—ต๐—ฒ๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐—˜. ๐—ฉ๐—ฒ๐—น๐—ฎ๐˜€๐—พ๐˜‚๐—ฒ๐˜‡ (๐—Ÿ๐—ผ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐—š๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ข๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€) ang mga ito.
Aprubado na rin sa konseho ang resolusyon para sa pagpapatayo ng ๐Ÿฎ-๐—ฆ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐˜† ๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐˜ ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ na dumaan sa tamang Design and Build Scheme. Ito ay nakatakdang simulan sa unang quarter ng taon.